Wednesday, November 26, 2008

B-S-I-T

B-ongga kaming lahat dito,
Mapagkakatiwalaan, maganda,gwapo at matalino,
Yan ang katangian namin na ipinagmamalaki,
Sa kahit kanino, babae ka man o lalaki.

S-tick kami to each other,
at kasing tatag kami ng pader.
Hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok,
at hindi mabubuwag kahit sino pa ang sumubok.

I-nggit ang iba sa aming samahan,
dahil kaming lahat ay maaasahan.
Sa oras ng kagipitan,
ay hindi kami nag-iiwanan.

T-alented daw kami sabi ng lahat,
at sa iba kami ay nakakaangat.
Sa kahit anong aspeto at talento.
kahit daanin pa sa pagkain ng pako.

Tuesday, November 25, 2008

Friendster

What is a Friend? Who are your Friends?
Are those persons who always there for you until the end?
Or those people who help you?
Or who care and loves you?

Who loves you? who is your love?
Are those persons who makes you laugh?
Even in the saddest condition?
And gives you a special attention?

What is the similarity between your friends and your love?
Both of them makes you laugh,
and give a special attention to you,
and always care and love you!

Can you love your friends?
If you do that, your friendship will end.
But it can be a happy ending and start a new beginning,
or you will fail and become a sad ending.

Paraiso

Ang sarap talgang mabuhay ng payapa,
Sa isang pinapangarap na lugar dito sa lupa.
Isang lugar na walang gulo at away,
Kasama pa ang mga mahal mo sa buhay.

Isang lugar na may sariwang hangin,
at mga magagandang tanawin.
Maganda at asul na kalangitan,
Berde at magagandang mga halaman.

Mga puting ulap na nakakabuo,
ng mga hayop at iba't ibang anyo.
At sa gabi, mga kumikislap na bituin,
Na masarap tignan at tingalain.

Sino ba naman ang aalis dito,
Sa isang lugar na kung tawagin ay paraiso.
Isang lugar na lahat ng gusto mo ay makikita,
at wala ka nang hahanapin pang iba.

Janine

Meron isang 2nd year na dalaga,
Janine ang pangalan at tawag namin sa kanya.
Isa sa mga matitino daw na estudyante,
Na kaklase ni Dina Pabalate.

Isang dalaga na masipag na mag-aral,
at sa kahit anong gawain sya ay walang angal.
Hindi sumusuko sa kahit anong gawain,
Kahit hindi pa sya kumakain.

Mga mahilig lumangoy ang lagi nyang kasama,
Pero sa IT Department parin ang loyalty nya.
Sya rin ay isang pilosopong dalaga,
Na natutunan nya kay Sir Cabrera.

Isang mabait daw at mapagkakatiwalaan dalaga,
Na kahit galit, ay maganda parin sya.
Kapag naririnig nya ang "Balu mu Ngan!!!"
Ang kanyang pakiramdam ay gumagaan.

Sunday, October 26, 2008

"Alvin"

Isa sa mga kabarkada ko ay si Alvin,
Na sa kahit anong Programming Language ay magaling.
Isang tahimik at seryosong binata,
Na adik sa computer at musika.


Pinaka matalino sa aming magkakaibigan,
at sa kahit anong exam ay hindi sya nang-iiwan.
Source code namin sya sa programming,
at pinaka magaling pagdating sa gaming.


Halos buong araw ay sa computer nakaharap,
at kayang ipagpalit sa computer ang mga pagkaing masasarap.
Hindi buo ang kanyang araw kapag hindi nakapag FeelRo,
Dahil isa ito sa paborito nyang laro.


Yan si Alvin Daile Mariano,
Matalino, gwapo at kung minsan suplado.
Pero magaling at masarap kasama,
Lalo na kung may exam na.

"Sir Cab"

Meron akong kilalang isang tao,
Mabait, palabiro,matalino at gwapo.
Isang napakagaling na guro,
at bihasa sa pagtuturo.


Halos lahat na yata ay naituro na nya,
Pagdating sa computer at pagiging chickboy nya.
Marami rin syang naiturong kalokohan,
Lalo na pagdating sa kapilosopohan.


Dahil sa kanyang balbon na katawan,
Maraming naaakit sa kanyang kababaihan.
Kahit sya ay mukhang binata pa,
sya ay isang mabait na ama, at butihing asawa.


Yan ang dean namin,
Kahit may edad na ay feeling bagets pa.
Sabi nga nya samin ay wag susuko,
at baka magmukha kaming suso....

"Edison"

Meron akong kabarkada,
Na sobra ang hilig sa camera.
Mahilig din syang kumuha ng litrato,
sa kahit anong lugar at anggulo.



Kahit mukha syang matino,
Sya ay mahilig sa porno.
At kahit may silver sya sa ngipin,
ay gwapong gwapo parin.



Sya ang camera man ng grupo.
May dalang camera kahit san sya magtungo.
Kinukuhan ng litratoang lahat ng bagay,
kulang nalang kuhanan pati ang bangkay.



Maaasahan sa lahat ng bagay,
Hindi ka iiwan sa gitna ng away.
Isang masipag at mapagkakatiwalaang tao,
ay sa kahit anong problema ay hindi sumusuko.

"GIno"

Meron akong isang kaibigan,
Na malapit sa mga kababaihan,
Dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan,
kamatchuhan at kakisigan.


Isang masipag at matalinong tao,
Na mayroong malaking ulo.
Isang maginoo at magalang na binata,
at nakakaakit ng maraming dalaga.

Sya ay seryoso sa lahat ng bagay,
Pero minsan sya din ay nagiging pasaway.
Sa pag-aaral nakatuon ang kalahati ng kanyan isipan,
at ang kalahati ay sa mga kababaihan.


Ideal man para sa mga kababaihan,
at idolo para sa mga kalalakihan.
Yan si Gino Angelo Guevarra,
Walang makakatapat at walang uubra.

"Shane"



May nakilala akong isang dalaga,
Shane Cruz ang pangalan nya.
Nag-aaral din sya sa aming eskwela,
at BSIT din ang kurso nya.




Isang magandang dalagita,
Na may kutis na mala porselana.
kalog at masarap kasama,
at mahilig mag pose sa camera.




Maraming estudyante ang nagkakagusto sa kanya,
dahil sa Mr. and Ms. CELTECH ay sumali sya.
Kahit 1st runner-up lang ang kanyang nakuha,
Ms. CELTECH parin sya sa mata ng kanyang tagahanga.




Kapag sya ay nakitang parating na,
Ang kanyang mga tagahanga ay luwa na ang mga mata,
Isa si Raymark Cadag sa mga tagahanga nya,
Na hindi maka imik kapag si Shane any nandyan na...

Raymark Cadag

Meron akong matalik na kaibigan,
Raymark Cadag ang kanyang pangalan.
Kuto, Maligno at tyonggo ang bansag sa kanya,
Kahit magkaganon ay astig parin sya.


Magulo, makulit, mahiyain at maaasahan,
Yan ang mga katangian nya na hindi ko maintindihan.
Cute, gwapo at hindi daw gaanong matalino,
kahit ganyan sya ay mukha naman syang anito.


Sabi nya, ang ina daw nya ay si Ma'am Juvy Cruz,
at ang asawa nya ay si Shane Cruz.
Ngunit ang sabi ko sa kanya... Sigurado ka????
"Baka si Bokal na ating gwardya ang iyong ama"!!


Kahit ganyan yang taong yan,
ay isa parin sya sa matalik kong kaibigan,
na maaasahan sa oras ng kagipitan,
at magpapasaya sayo sa oras ng kalungkutan

Monday, October 20, 2008

REYCHELL

Nung dumating ako sa Pampanga,
May nakita akong napagandang dalaga,
Reychell Ann Rose Mallari ang pangalan nya,
At madaling nahulog ang loob ko sa kanya.


Sa San Isidro High School ko sya unang nakita,
Na sa pagtingin sa kanya ay luwa aking mata,
Swerte ako at sya ay aking ka eskwela.
Hindi lang pala yon, siya ay kaklase ko din pala.


Halos magkalapit kami ng upuan sa Math,
Yun ay isa sa malaki kong pasalamat.
Dahil nakikita ko sya ng matagal,
At ang aking pagod at kalungkutan ay natatanggal.


Alam kong ang pag-ibig mo ay taken na!!,
Dahil ikaw ay may boyfriend na.
Ngunit ako parin ay laging narito,
at ang pag-ibig ko sa iyo ay hindi maglalaho.

Friday, October 17, 2008

ACT / BSIT II - I

Eto ako ngayon sa harap ninyo,
Nandito ako para paglingkuran kayo.
Bryan Rodriguez nga pala ang aking pangalan,
Bryan,Judie,Fat Joe ang bansag sakin ng karamihan.

CELTECH ang lugar kung san ko nakilala
Ang mga klasmeyt at instructor kong ubod ng sigla,
Nandyan si Kino na mahilig sa itlog,
At si Kenneth na sobra ang libog.

Nandyan din si Wilson na ang kulit,
At si Gino angelo na sa mga chicks ay malapit.
Si kuya Carlitz naman ay sobra ang sipag,
Na sa kanyang trabaho ay masyadong maatupag.

Si AlVin Daile ay bagong dating,
Na sa paglalaro ng dota sya ay magaling...
Dumako naman tayo sa mga kababaihan,
Isa dito si Gladyz na kilala sa kagandahan at kaseksihan.

Si Margie naman ay beauty and brain ang katangian,
At si ate Amy na sobra sa kahinhinan.
Makakalimutan ko ba naman ang pinaka gwapo sa lahat,
Si Raymark Cadag ang gwapong iyon,ngunit sa Vitamins sya ay salat.

Mr. Cabrera nga pala ang idolo kong guro,
Mukhang artistahin, talo pa si Cesar Montano.
Nandyan din si Engr. Somer David na umaapaw ang talino.
Sa ACT / BSIT II-I ay isa lang ang masasabi ko...
ASTIG KAMI TOL!!!!!

Thursday, October 16, 2008

Ma'am Juvy





Nung una kitang makita,
Ako'y biglang humanga,
at hindi ako makapaniwala,
na ikaw ay instructor na pala.



Sa sobra nyang ganda,
at bata pang itsura,
mas mukha pa akong matanda,
kumpara sa kanya.



21 palang ng unang subukan,
ang pagtuturo sa eskuwelahan.
Pagbahagi ng kanyang kaalaman,
at paghasa sa aming kakayahan.



Baguhan pa lang syang guro,
ngunit magaling na syang magturo.
Magaling din syang makisama,
Lalo na sa pambobola....

Miss Suplada

Isang gabi sa madilim na eskinita,
May nakita akong isang magandang dalaga.
Nang Tinanong ko ang pangalan niya,
Aba! Sya pala ay isang suplada.

Si Miss Suplada ay sobrang ganda,
Ang kanyang kutis ay makinis at parang porselana.
Ang kanyang labi ay napakapula,
At mapupungay ang kanyang mga mata.

Ilang minuto na kami sa eskenita,
Si Miss Supalda ay hindi parin nagsasalita,
Hindi rin sya kumikibo o gumagalaw,
Ay napakalayo din ng kanyang tanaw.

Sandali lang akong tumingin sa kaliwa,
Si Miss Suplada ay biglang nawala.
Ang Maganda at seksing si Miss Suplada,
Ay isang White Lady pala...

Tuesday, October 14, 2008

GoodBye

When the year of schooling near to end,
Its gives me a very big trend,
Because my friends are pushing apart,
Especially you that they pushed apart.

What ever yor course, where ever you study,
I will do my Duty.
Duty in protecting you,
And duty in loving you.

I will always love you even we are far apart.
No one can replace you in my heart.
I know we see each other someday,
Before the time that I die.

I know you will study on other school,
And I will Study in other school.
But my love for you will never die,
Even you say to me goodbye...

Bighani

Nung pumasok ka sa ating kwarto,
Lumaki ang mata ko na parang isang kwago.
Nabighani ako sa iyong kagandahan,
Nang ika'y dumaan sa aking harapan.

Nang ikaw ay nagtanong sakin,
Hindi ko alam ang aking sasabihin.
Para akong isang asong ulol,
na kung magsalita ay nabubulol.

Ang mata ko ay naakit mo,
Ang puso ko ay nabihag mo.
Ang puso ko'y biglang tumibok,
Dahil sa kagandahan mong biglang sumabog.

Ako ay mayroong pagtingin sa iyo,
Na sana ay mapansin mo.
Mahal kita sabi ng puso ko,
Na lahat ay gagawin ko para sayo.

Its Me.....

Im Just a guy who not taking things seriously.
a Guy who love to make friends,
a guy who wants to eat everything he wants
And a guy that have the playfulness of a child but
seriousness of a guy.

Followers